Second Nominated Housemates

Noong unang nomination night sina Jieriel, Linda at Josef ang binoto ng mga housemates. At hinatulan ni kuya sina Priscilla at Valerie dahil sa violation na ginawa nila. Ngunit isa laman sakanila ang maaring lumabas, si Jieriel ang nagpaalam sa mga housemates noong sabado. At itong linggo, binoto nanaman nila si Linda upang mapalabas ng bahay at si Kevin na unang beses manominado. Sino kaya sakanilang dalawa ang mananatili pa sa bahay ni kuya at sino ang mamamaalam na sa mga housemates? Iboto nyo na ang gusto nyong manatili sa bahay ni kuya.

Text BB (space) Linda and send to 2331 or 231 For Linda
                                        and
Text BB (space) Kevin and send to 2331 or 231 For Kevin

Vote na!! ^_~

                            

Second Guardian Evictee

Nakapag desisyon na nga ang teen council. Napag desisyonan na nila na lumabas na ng bahay ni Doc Boy ang tatay ni Robi. Si Robi din ang nangunguna na mapa alis si Doc Boy sa bahay ni kuya. Hindi dahil ayaw nya nandoon ang kanyan am kundi upang makatulong pa ang kanyang ama sa labas ng bahay ni kuya.

Goodbye Doc Boy.

1st Evictee Housemate

Araw na nga ng eviction night dumating na ang panahon. At ang taong bayan ay iniligtas sina Priscilla, Valerie, Linda at Josef. Si Jieriel Papa ang lumabas ng bahay ni kuya ngayong gabi.

Goodbye Jieriel.

Kasama lumabas nito ay ang kanyang daddy na si Daddy Jerry. Bukas ay tutukan ang second eviction night ng mga guardians. Sino kaya o sino-sino ang lalabas sa mga guardians? tutukan bukas sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus.

Daddy Hans Came in the House

Kagabi pumasok si Daddy Hans, dad ni Linda para magcelebrate ng birthday niya
sa loob. Bonding to the max sila ng girls especially si Rona. Sinimulan ni Beauty
na nagtanong kung ilan taon na si Daddy Hans. Napa "hay nako" na lang si Daddy
ahil ayaw niya maisip na tumatanda na siya.

Si Rona naman ang nakipagbonding kay Daddy. At may rebelasyon pa si Rona dito:
gusto niya maging lawyer! Sabi ni Daddy Hans - lawyer parang liar. Sagot naman ni
Rona ay lahat naman nagsisinungaling, ang pinagkaiba lang sa lawyer, may
dedepensahan kang cliente.

Sinubukang makipagbonding ni Daddy Hans kay Linda. Pinaalala niya noong
January 16, 1999, nasa airport siya pabalik ng Norway, sinabi sa kaniya ni
Linda, "Take it easy in Norway, you have only one life that you borrowed." Hindi
ito makalimutan ni Daddy Hans at sinusubukan naman ni Linda na alalahanin ito.
Noong medyo naalala na niya, sinabi niya na 8 years old pa lang siya noon.
Pagkatapos ay natahimik na lang ang Bikini Babe ng Iriga. Tumibay kaya ang
relasyon ng mag-ama sa pagtitira ni Daddy Hans sa bahay ni Kuya?

Impressed ang housemates nang makita ang mga tattoo ni Daddy Hans! Sa likod
ni Daddy Hans may mga design na mga butterfly at kung anu-ano pa. Lahat pa ito
ay may meaning. Napa-wow na lang ang mga housemates at napa "ang ganda" na
lang si Beauty. Dagdag ni Linda na gusto niya ang shape at kuwento niya sa mga
housemates na nakaka-isang case ng beer si Daddy Hans dati. Todo bonding talaga
ang teens with Daddy Hans at unti-unti namang nag-oopen si Linda sa ama.
Maayos kaya nila ang lahat bago pa man palabasin ni Kuya si Daddy Hans?

Impressed ang housemates nang makita ang mga tattoo ni Daddy Hans! Sa likod
ni Daddy Hans may mga design na mga butterfly at kung anu-ano pa. Lahat pa ito
ay may meaning. Napa-wow na lang ang mga housemates at napa "ang ganda" na
lang si Beauty. Dagdag ni Linda na gusto niya ang shape at kuwento niya sa mga
housemates na nakaka-isang case ng beer si Daddy Hans dati. Todo bonding
talaga ang teens with Daddy Hans at unti-unti namang nag-oopen si Linda sa ama.
Maayos kaya nila ang lahat bago pa man palabasin ni Kuya si Daddy Hans?

Pinagtripan ng girl housemates ang Spanish Stallion na si Kevin! Nilagyan siya ng
make-up at para daw ito sa presentation. Mukhang natapos rin ang pagtatampo ni
Nicole kay Kevin dahil siya ang nangunguna sa pagmmake-up dito. Tawang tawa ang
mga girls habang si Kevin naman tahimik na nakapikit. Very willing naman siya at
game dito. Ikaw na kaya Kevin ang papalapit kay Josef na make-up King?

Nagpresent si Alex, Kevin at si Beauty ng isang nakakatawang number to the tune
of "Sofa" na gawa ng isang aspiring PDA scholar. Tawang tawa ang mga housemates
sa girly na itsura nina Alex at Kevin samantalang si Beauty naman ay nagmukhang
siga?

Talaga namang pairing kung pairing na sa loob ng bahay. Isang makabagdamdaming
Maging Sino Ka Man ang i-prinesent naman nina Josef, Nikki, Val at Ejay ke Daddy
Hans. At dilang basta song number ha, me matching titigan at yakapan pa...hmm...Umuusbong na ba ang Big Brother Love?

AYIEEE!! Bagay kaya ang Love Team nila?

Special Thanks To http:\\pbigb.multiply.com and http:\\pinoybigbrother.com

Tie-Dyed Shirts

Naghahanda na ang mga boys sa  task nila. Dalawang tables ang nakalagay at naglapat
sila ng mga gloves dito. Sa isang table kulay pink, sa isa naman kulay blue ang gloves.
Mayroon rin mga batsa at puting t-shirts.

Ano kaya ang weekly task ng mga housemates at sino-sino kaya ang makikinabang dito?

Binigyan ng Weekly Task ang mga Housemates

Go na go na ang housemates sa paggawa ng tie-dyed shirts na weekly task nila!
Nahati ang grupo sa team ni Robi at team ni Josef. Marami nang t-shirts ang
nagagawa nila Josef ngunit mas makulay ang nagagawa nila Robi. Napapalayo
naman sila Robi sa quota number dahil mas binibigyang importansya ang design
ng mga t-shirts. Sino kaya ang magwawagi sa dalawang grupong ito? Isa
nanaman kaya itong Ateneo vs. La Salle na kompetisyon?

GO Housemates sana Magtagumpay na kayo~ ^_~

Special Thanks To http:\\pbigb.multiply.com and http:\\pinoybigbrother.com

Josef the SPY.

Nahuli ni Josef na nagescapade si Robi at Alex kagabi! Kinuwento ng Lethal Lasallite
kay Kevin at Jolas na puyat na puyat ang dalawa dahil may pinuntahan pa kagabi.
Hindi nakasama si Nan dahil may injury siya. Hindi pa natigil dun ang pagka-sneaky
ni Josef, nahuli rin niya ang mga naglagay ng mga new Jag outfits nila sa loob ng
bahay ni Kuya. Papikit-pikit lang daw siya pero huling-huli niya. Mukhang may katapat
na si Jieriel sa pagiging imbestigador sa bahay ni Kuya!

Keep up on Spying Josef


Special Thanks To http:\\pbigb.multiply.com and http:\\pinoybigbrother.com

Hiding Noodles.

Nag-usap ang mga housemates kung sino ang nagtatago ng mga noodles. Madalas
kapag may hinahanap silang noodles, parating wala. Tapos maya-maya may
akikita sila na kumakain ng noodles. Sila-sila na lang at nagnanakawan pa sabi
ng ibang housemates.

Si Rona ang nagfacilitate ng open forum na ito at lahat sila ay nagsabi ng
mga experience nila sa mga nawawalang noodles. Pero hindi pa rin nila
malaman kung sino ang nagtatago. Mahirap naman siyempre mamintang
diba? Makonsensya na daw kung sino ang nagnakaw dahil sigurado nakuhaan
sila ng camera. Sino nga kaya ang nagtatago ng noodles? At sino kaya sa kanila
ang hindi nagsasabi ng totoo?

Guardian's Eviction

Dahil nga ay nakapasok ang 4 na sina Josef, Beauty, Kevin at Jieriel sa special
place, sila ang naging teen council ni kuya. Ang apat na housemates ay ang
mag-huhusga kung sino sa mga Guardians ang dapat nang umalis ng bahay ni
kuya. Tama kaya ang desisyon ng apat na housemates sa pag papa-alis ng Guardians?
Ang Teen Council ay naka desisyon na! ano din kaya ang hatol ng teen counsil?

Eviction night na ng mga Guardians, sino-sino kaya ang ma i-evict sa bahay ni kuya?

Una nang lumabas ng bahay ni kuya si Tita Violy ang tita ni Valerie.

Goodbye Tita Violy. T_T

Sunod namang lumabas si Mommy Rose ang mommy ni Rona.

Bye Mommy Rose. T_T

Sumunod ng lumabas si Mommy Jinky ang mommy ni Pricilla.

Thank you Mommy Jinky. T_T

Kumpleto na ang pangalan ng mga Evicted Guardians balik sa normal ang ibang
Guardians kahit hirap matanggap na nawalan sila ng kasama.

Special Thanks To http:\\pbigb.multiply.com and http:\\pinoybigbrother.com

Special Place

Inutusan ni kuya sila Beauty at Josef na patulugin ng maaga ang mga housemates
nila at kung tulog na ang housemates bumalik sa confession room. Nang nasigurado
na nila Beauty at Josef na tulog na ang mga housemates ay agad silang dumeretso
sa confession room. Pinapunta sila sa Secret Place. napaiyak si Beauty ng makita nya ang kanyang ina. Nakabalik na sina Beauty at Josef sa Bahay ng mga Teens at agad nang natulog.
Nagdududa na ang bikini babe na si Linda sa mga kaganapan kagabi. Mukhang mali
ang akala ni Beauty na tulog na ang mga girls! Tinanong ni Linda kung bakit gising
pa si Beauty kagabi nung tulog na silang lahat. Mabilis na sinagot ni Beauty na
naglinis siya ng bahay. Pinatunayan pa niya ito sa pagpapakita ng lamesa, "dati
madumi, ngayon malinis na!". Dagdag pa niya na exam ito ni Kuya dahil hindi siya
sanay sa gawaing-bahay. Naghanap pa siya ng kakampi at cinonfirm naman ng guy
teen housemate. Natahimik na lang si Linda sa kaniyang pagmumuni-muni. Ang
tanong, naniwala kaya siya sa Rebellious Beauty?

Habang nageensayo ang teens ng kanilang algorithm dance, panay impake ng
gamit ang Rebellious Beauty ng Dumaguete. Kailangan daw niya magimpake ng
damit na good for one day sabi niya kay Jieriel. Pati si Kevin kasama sa gimik
na ito kaya todo kuha siya ng gamit sa boys room para dalhin sa girls room.
At may nalalaman pa silang patago-tago ng gamit sa ilalim ng kama ng girls!
Saan naman kaya sila pupunta na good for one day lang ang dala? Sa kabilang
bakod lang kaya?

Nakapasok na ang apat sa bahay ng mga guardians! Tuwang-tuwa si Daddy John
nang makita ang anak na si Kevin kaya naman napalundag pa siya sa upuan nang
makita ang pinakamamamahal na anak. Very emotional ang moment na ito at
napaiyak pa ang mag-ama sa tuwa. Si Jieriel naman lumapit sa kaniyang ama at
dahil kakakita pa lang nung graduation, hindi naman masyadong emosyonal ang
pagtatagpo. Si Josef niyakap ang Tita at ganoon rin si Beauty sa kaniyang Mommy.
Si Beauty kinuha na ang trono ni Mommy Minda dahil pagpasok sa kuwarto ng
mommies, tama ba naman na magligpit ng kama? Beauty masyado mo nang
kinakareer ang gawaing-bahay ah. In fairness marami siyang natutunan kay
Mommy Minda. Kamusta kaya ang pagtatagpo na ito? Kailan kaya nila ipapaalam
sa iba ang secret place?

Special Thanks To http:\\pbigb.multiply.com and http:\\pinoybigbrother.com

Operation TULI

Dahil nga sa pagiging Italyano ni Alex hindi tradisyon sa mga italyano ang pagiging
circumsize. Kaya naman Iginusto ni Alex na matuli siya dahil para sakanya siya ay
isang pilipino parin.

Alex, Pinoy na tunay talaga!

Tapos na ang masalimuot na proseso na pinakaaantay ni Alex! Ang Italian Valentino,
binata na! Habang nagbibigay ng cooking lessons si Mommy Minda sa girls,
lumabas ang boys na nakapila at nakapalda. Ang lakad pa nila ay parang sila lahat
ay dumaan sa ilalim ng kutsilyo. Mukhang itinatago ng boys na si Alex ang totoong
nagpatuli para hindi mapahiya ang bagong binata. Ang girls naman hindi mapigilang
matawa at mag-usyoso. Si Jieriel nagkaroon ng ideya kung ano ito, kasi naman daw
"tuli month" kaya baka sila lahat ay nagpatuli.
Tinanong nila si Mommy Minda kung si Alex daw ba ay tuli na. Pinagtakpan ang
anak at ang sagot: hindi ko alam, bakit sa girls ba tinatanong kung may ano
[period] na?
Napatahimik ang girls at nakalusot si Mommy Minda! Hinuhulaan nila kung sino
ba sa nakapaldang lalaki ang nagpatuli. Hindi daw si Ejay kasi diretso maglakad.
Si Robi naman nirereverse psychology ang mga housemates kaya nagpresentang
ipakita.

Boys, Magaling at naitago ninyo ang katotohanan sa mga Girls.