« Operation TULI | Main | Guardian's Eviction »

Special Place

Inutusan ni kuya sila Beauty at Josef na patulugin ng maaga ang mga housemates
nila at kung tulog na ang housemates bumalik sa confession room. Nang nasigurado
na nila Beauty at Josef na tulog na ang mga housemates ay agad silang dumeretso
sa confession room. Pinapunta sila sa Secret Place. napaiyak si Beauty ng makita nya ang kanyang ina. Nakabalik na sina Beauty at Josef sa Bahay ng mga Teens at agad nang natulog.
Nagdududa na ang bikini babe na si Linda sa mga kaganapan kagabi. Mukhang mali
ang akala ni Beauty na tulog na ang mga girls! Tinanong ni Linda kung bakit gising
pa si Beauty kagabi nung tulog na silang lahat. Mabilis na sinagot ni Beauty na
naglinis siya ng bahay. Pinatunayan pa niya ito sa pagpapakita ng lamesa, "dati
madumi, ngayon malinis na!". Dagdag pa niya na exam ito ni Kuya dahil hindi siya
sanay sa gawaing-bahay. Naghanap pa siya ng kakampi at cinonfirm naman ng guy
teen housemate. Natahimik na lang si Linda sa kaniyang pagmumuni-muni. Ang
tanong, naniwala kaya siya sa Rebellious Beauty?

Habang nageensayo ang teens ng kanilang algorithm dance, panay impake ng
gamit ang Rebellious Beauty ng Dumaguete. Kailangan daw niya magimpake ng
damit na good for one day sabi niya kay Jieriel. Pati si Kevin kasama sa gimik
na ito kaya todo kuha siya ng gamit sa boys room para dalhin sa girls room.
At may nalalaman pa silang patago-tago ng gamit sa ilalim ng kama ng girls!
Saan naman kaya sila pupunta na good for one day lang ang dala? Sa kabilang
bakod lang kaya?

Nakapasok na ang apat sa bahay ng mga guardians! Tuwang-tuwa si Daddy John
nang makita ang anak na si Kevin kaya naman napalundag pa siya sa upuan nang
makita ang pinakamamamahal na anak. Very emotional ang moment na ito at
napaiyak pa ang mag-ama sa tuwa. Si Jieriel naman lumapit sa kaniyang ama at
dahil kakakita pa lang nung graduation, hindi naman masyadong emosyonal ang
pagtatagpo. Si Josef niyakap ang Tita at ganoon rin si Beauty sa kaniyang Mommy.
Si Beauty kinuha na ang trono ni Mommy Minda dahil pagpasok sa kuwarto ng
mommies, tama ba naman na magligpit ng kama? Beauty masyado mo nang
kinakareer ang gawaing-bahay ah. In fairness marami siyang natutunan kay
Mommy Minda. Kamusta kaya ang pagtatagpo na ito? Kailan kaya nila ipapaalam
sa iba ang secret place?

Special Thanks To http:\\pbigb.multiply.com and http:\\pinoybigbrother.com

                            

TrackBack

TrackBack URL for this entry:
http://blogs.www.friendster.com/t/trackback/845481

Listed below are links to weblogs that reference Special Place:

Comments

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .